Thursday, August 26, 2010

Ang hindi matapos tapos na pag ikot ng Ferris Wheel : Ang Pagsisimula Ep. 5

Nagpatalo ako sa aking takot, binayaan kong lamunin ako nito ng buo. Hinadlangan nya akong sabihin ang aking nararamdaman para kay Aika. Yinaya ko ulit si Aika na sumakay pero parang hindi na sya papayag. Buti na lang ay nakita namin ang isa nyang kaibigan at yinaya nila kaming sumakay muli sa Ferris wheel. Ng kami at nasa pataas na, tinanong nya ko kung takot daw ba ako sa matataas dahil nakita nyang kapit na kapit ako sa hawakan. Ang nasabi ko na lang ay "I crush you". Tinatanong ko ang sarili ko kung anong nasabi ko? Parang gusto kong tumalon mula sa tuktok ng Ferris Wheel para matapos na ang lahat. Buti na lang ay napigilan nya ako ng sabihin nyang "Alam ko.", nagulat ako ng sobra. Hindi nagtagal at lumipas ang mga buwan ay mas lalo pa kaming nagkakilala at nag kamabutihan. sa ngayon ay dalawang taon na kami nagmamahalan. Hindi dito nag tatapos ang aming kwento.

2 comments:

  1. HAnep ha.. Ito ba start ng love story nyo?? Haha.. Ang sweet nman.. More years to come..

    ReplyDelete
  2. parang., ndie toh.. ang love story., nio., hehhe., as i know lng., jejjejej

    ReplyDelete