Saturday, July 17, 2010

Friday, July 16, 2010

Ang pagibig..

Ang Pag ibig ay hindi nawawala
ito ay nagbabago lamang ng anyo..

-baste

Tuesday, July 6, 2010

.....

Baket ba ganito ang aking buhay?
Gusto ko magkaroon ng sarilo kong bahay.
Kahit anong sipag at tiyaga ko
parang suntok sa buwan parin ang mga hinaharap ko.

mga dinadaan ko ay sunod-sunod na pagsubok..
ang naiisip ko na lang baril sa ulo ko itutok.
baket ndi pa matapos ang lahat..
nabibigatan na ako sa aking buhat-buhat

o kay tagal ko ng nagsusumikap
unti-unti na akong nawawalan ng pangarap.
bakit ganito na sa panahon ngayon.
walang mararating kung walang pera, kahit mag aral ka pa buong maghapon.

pero hindi ako susuko sa laban,
mag aaral hangang sa dulo ng walang hanggan.
gusto kong buhay ipagpatuloy..
makakawala ako rin ako sa kumunoy.

walang bagay ang hindi nagwawakas
kasama na ron ang aking malas.
alam kong matatapos ang lahat ng ito.
pero siguradong may magsisimulang panibago.