Thursday, August 26, 2010

Ang hindi matapos tapos na pag ikot ng Ferris Wheel : Ang Pagsisimula Ep. 5

Nagpatalo ako sa aking takot, binayaan kong lamunin ako nito ng buo. Hinadlangan nya akong sabihin ang aking nararamdaman para kay Aika. Yinaya ko ulit si Aika na sumakay pero parang hindi na sya papayag. Buti na lang ay nakita namin ang isa nyang kaibigan at yinaya nila kaming sumakay muli sa Ferris wheel. Ng kami at nasa pataas na, tinanong nya ko kung takot daw ba ako sa matataas dahil nakita nyang kapit na kapit ako sa hawakan. Ang nasabi ko na lang ay "I crush you". Tinatanong ko ang sarili ko kung anong nasabi ko? Parang gusto kong tumalon mula sa tuktok ng Ferris Wheel para matapos na ang lahat. Buti na lang ay napigilan nya ako ng sabihin nyang "Alam ko.", nagulat ako ng sobra. Hindi nagtagal at lumipas ang mga buwan ay mas lalo pa kaming nagkakilala at nag kamabutihan. sa ngayon ay dalawang taon na kami nagmamahalan. Hindi dito nag tatapos ang aming kwento.

Ang hindi matapos tapos na pag ikot ng Ferris Wheel : Ang Pagsisimula Ep. 4

Sa nakita ko sa kanyang muka ay parang nawalan sya ng gana. Meron na sana akong tsansang yayain syang sumayaw pero pinalampas ko lang ito dahil sa duduwag duwag ako. Nag daan ang mga araw, napansin at naramdaman kong parang nag iba ang aming pagtitinginan. Lagi ng awkward ang aming pag uusap. Dahil nga sa wala akong lakas kausapin sya, sa mga kaibigan nya ako nagsabi ng mga nararamdaman ko. Tinanong ko kung may problema ba si Aika. Sinagot nila ako ng isang bagay "May gusto sayo si Aika!". Nagulantang ako na parang hindi ko alam kung anong ngyayari. Nagulat ako, para bang hinuhulog ako sa mataas na lugar. Umalis na lang ako ng hindi nag sasalita ng kung ano.. Dahil dito nagkaroon ako ng lakas ng loob. Ang problema ko na lang ay kung paano, saan at kailan ko sasabihin sa knya.

March 13, 2008. May contest na kung saan ay kasali si Aika. Hindi ko sya napanood sumayaw dahil may importante pa akong kailangan gawin. Nagtanong ako sa mga kakilala nya kung Nakita ba nila si Aika. Nasa gym sila ng kanyang mga ka Grupo. Di na ako nag alinlangan. Sigurado na ako sa gagawin ko. Pinuntahan ko sya at sabay sabing "Hoy!". Ito ang karaniwan naming batian, kumbaga hello para saming dalawa. Sandaling pag uusap ang naganap. Hinugot ko na lahat ng lakas ko sa buong katawan para sabihin, pero kahit anong gawin ko hirap pa rin ako. Yinaya ko n lang sya sa Ferris Wheel para sumakay. Bigla kong naisip kung ano ba itong ginagawa ko, TAKOT AKO SA MATATAAS, bakit sa Ferris Wheel ko pa sya yinaya, di ko ba alam. Andito na, aatras pa ba ko? Buti na lang ay meron akong apat na ticket dahil may additional at bonus grade daw pag bumili. Nagkakahiyaan pa kaming sumakay sa ferris wheel dahil nga sa kaming dalawa lang ang magiging magkatabi sa taas nito. Pero sa tuwing magkatabi kami, parang kaming dalawa lang din ang tao sa mundo. Inalalayan ko syang umakyat sabay tanggi nya. Nung unang pag sakay namin ay walang masyadong nangyaring usapan dahil sa hindi ako mapakali dahil sa sobrang taas ng aming kinauupuan. Halos yakapin ko ang lupa pagkababa namin. Hindi ako nakontento sa ngyari.

Ang hindi matapos tapos na pag ikot ng Ferris Wheel : Ang Pagsisimula Ep. 3

Di namin maiwasang mag katinginan at magkausap dala na rin ng kabagutan sa klase. Napagusapan namin isang beses ang tungkol sa akin. Magkaibigan pala sila ng dati kong ka eskwela na si Ecka. Sa tuwing nag kakasalubong kami sa paaralan ni Ecka lagi raw syang kasama noon. Kaya dati pa raw nya ako kilala. Nagulat ako sa sinabi nyang yon. Hindi ko naman kase sya nakikita..

Lumipas ang mga araw, nag kamabutihan kaming dalawa. Mas napadalas ang aming usapan. Isang araw ay biglang wala sya sa kanyang kinauupuan, sa aking tabi,may naramdaman ako na parang hinahanap hanap ko sya. Tinanong ko ang pinakamalapit nyang kaibigan kung nasaan sya ang sabi nya ay ndi rin daw nya alam kung asan sya.. Kinabukasan ay pumasok na sya, tinanong ko kung saan sya galing, masama raw ang pakiramdam nya kahapon kaya sya lumiban sa klase. Doon na ako tinamaan na parang kidlat. Di man sigurado ay alam kong may nararamdaman ako sa kanya.

Dumaan ang mga linggo, mas lalo ko pa itong naramdaman. Nagiisip ako ng paraan para masabi ko sa kanya ang aking panig. Kelangan nyang malaman ito.

Nung linggong iyon ay maraming event sa school, dahil narin sa nalalapit na foundation day. Meron kaming inorganize na event na parang Prom sa high school. Dahil nga sa organizers kami bawal kami makipag socialize sa mga kakilala namin. Pero nakakuha ako ng pagkakataon para hanapin si Aika. Malayo pa lang ay natanaw ko na sya.. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob. Ang tangi ko na lang nasabi sa kanya ay magtanong kung nasaan ang iba naming kaklase.

Ang hindi matapos tapos na pag ikot ng Ferris Wheel : Ang Pagsisimula Ep. 2

First year ako sa college nung ngyari ito. Nasa college ako nung makilala ko si Aika. Hindi man sya gaanong kagandahan ay litaw parin sa karamihan. Iba ang kanyang appeal, mapapansin mo agad sya. Nung una ay walang pumasok sa aking isip na kung ano man ang aming magiging hinaharap, dahil nga first year ako ang nasa isip ko pa lang noon ay pag-aaral upang ako'y makatapos agad nang makatulong na sa magulang.

Dumating ang panahon, kelangan na namin ayusin ang aming sitting arrangement upang mas madali ang pag check ng aming attendance. Dahil sa hindi kalinawan ang aking mga mata, nakiusap ako sa aming guro na ako'y paupuin sa harap para mas madali akong makasabay sa klase. Pagka lawak- lawak at pag ka dami-dami kung saan ako pwedeng paupuin ng aming guro ay mismong sa tabi ni Aika. Lumipas ang mga araw na kami ay mag katabi.

Ang hindi matapos tapos na pag ikot ng Ferris Wheel : Simula 1

Kung ako ang tatanungin, masyado akong maraming kinatatakutan. Isa na ron ang Acrophobia, ang pagiging matatakutin sa matataas na lugar. Nang-inginig ang aking mga tuhod nag papawis ang buong katawan, nan lalambot ang aking mga kamay isipin ko palang ang mga matataas na lugar. Maliit man ang posibilidad na ako'y mahulog, kinakabahan pa rin ako.

Isa ang Ferris Wheel sa mga nakaka enganyong atraksyon sa mga karnabal. Imposibleng palampasin ang mga ganitong bagay dahil taunan ka lang makakakita ng ganito.

Sa aming paaralan, taunang dumarating ang mga ganitong makinarya.Marami at iba't iba ang pwede mong sakyan. Maaliw ka sa dami ng kulay nito.

Ako nga pala si Baste. Masiyahin, palakaibigan, normal lang ang mga marka sa skwela pero masusi kung magisip.

Today!

Today


Today today.. Right now is today..
But if it's tomorrow then now is yesterday..
when it's tomorrow then you say yesterday then it's today..
Past is a treasure.. Tomorrow is a Mystery Today is a Gift..

That's why it's called present.

Friday, August 20, 2010

Mr.Brightside - The Killer Lyrics

I'm coming out of my cage
And I’ve been doing just fine
Gotta gotta be down
Because I want it all
It started out with a kiss
How did it end up like this
It was only a kiss, it was only a kiss

Now I’m falling asleep
And she’s calling a cab
While he’s having a smoke
And she’s taking a drag
Now they’re going to bed
And my stomach is sick
And it’s all in my head
But she’s touching his—chest
Now, he takes off her dress
Now, let me go

And I just can’t look its killing me
And taking control

Jealousy, turning saints into the sea
Swimming through sick lullabies
Choking on your alibis
But it’s just the price I pay
Destiny is calling me
Open up my eager eyes
‘Cause I’m Mr Brightside


I'm coming out of my cage
And I’ve been doing just fine
Gotta gotta be down
Because I want it all
It started out with a kiss
How did it end up like this
It was only a kiss, it was only a kiss

Now I’m falling asleep
And she’s calling a cab
While he’s having a smoke
And she’s taking a drag
Now they’re going to bed
And my stomach is sick
And it’s all in my head
But she’s touching his—chest
Now, he takes off her dress
Now, let me go

Cause I just can’t look its killing me
And taking control

Jealousy, turning saints into the sea
Turning through sick lullabies
Choking on your alibis
But it’s just the price I pay
Destiny is calling me
Open up my eager eyes
‘Cause I’m Mr Brightside

I never...
I never...
I never...
I never...